Thread Rating:
  • 1 Vote(s) - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Pinas to Singapore
#1
Hello po,

As promised, ipopost ko ang storya ng aking paghahanap ng trabaho sa abroad. So here it goes:

It was 5 years ago since I left home. Meron akong maliit na business sa atin noon but I gave up hindi dahil sa nalugi but for some personal reason.

Nung dumating ako ng Singapore for the first time in my life. Wala akong ka ideidea sa bansa. Bago ako umalis kinontak ko yung friend ko to meet me pero hindi ko sinabi na maghahanap ako ng trabaho at magbabakasakali makahanap ng work sa Singapore. Hindi din alam ng friend ko na I gave up my business na din at akala lang nya magbabakasyon ako.
 
Dumating ako ng SG around 4pm ata yun tapos mineet ako ng friend ko sa airport, ayun kumustahan tapos sabi ko wala pa akong nabook na hotel kasi sabi ko meron din akong kaibigan na puntahan na hindi ko sinabihan na pupunta ako ng Singapore. Sabi ng friend ko sige tara hanapin natin (kasi may address ako on hand) sa kakaikot naming sa block, hindi naming nahanap ang isa kung friend. Nafefeel ko na napagod na yung friend ko kakasama at kakahanap. Sinabi ko nalang hanap nalang ako ng hotel.
 
Nagsuggest sya marami hostel sa Chinatown so sinamahan nya ako, everytime may hostel kaming makikita tinatanong ko muna kung magkano kasi wala akong masyadong budget. To be honest meron lang ata ako nung S$450. Tapos yung friend ko parang badtrip na sa kaka pili ko ng mura haha.
 
So nung nakahanap na ako ng hostel after check in nagpa alam na friend ko at nagpasalamat ako at humingi ng pasensya sa abala. Nung nasa hostel na ako nakakalungkot kasi nasa foreign land ako na wala akong ka alam alam at di ko alam ano gagawin at saan pupunta.
 
Friday nung dumating ako ng SG, so nung nasa hostel ako una kung sinearch sa internet ang iba pang hostel na mura na pwede ko malilipatan kasi medyo mahal yung nakuha ko sa Chinatown which is malinis naman pero ang pakay ko makatipid kasi konti lang pera ko. Nakahanap ako ng mas mura na hostel tapos lumipat ako pagka next day. My friend #1 (yung sumundo sa akin sa airport) contacted me kung gusto ko daw ba hanapin ulit yung bahay ng friend #2 ko so sabi ko sige kung di sya maabala at kung wala syang gagawin kasi Saturday daw at walang pasok. Nahanap naming yung bahay ng friend #2 ko at nakausap ko si friend #2 ko at pinakilala ko silang dalawa. Na surpresa si friend #2 kasi parang 2 weeks ago nagkakausap pa kami sa chat at di ko daw na mention.
 
Sabi ng friend ko #2, ask nya housemates nya or mga kakilala na pwede ako tumira at sabi ko baka gusto ko din try maghanap ng work na kahit ano nalang para ma try lang mag work sa abroad, sabi ng friend #2 ko wala daw bakante sa kanila. Si friend #1 di nag offer at di ko na rin tinanong or inabala kasi baka ayaw din nya. Bumalik ako sa hostel at nagdadasal na sana mahanapan ako ni friend#2 ng matitirhan kasi sa SG tirahan talaga ang pinakamahal.
 
Sunday nasa hostel lang ako at inayos ang resume ko which is matagal tagal na rin akong hindi na employed since nag business ako. First thing sa Monday ginawa ko is naghahanap ng post online na pwede sa akin at kahit ano na makita ko kahit di na pasok sa qualifications ko kasi sa SG online lang lahat at di sila tumatanggap ng walk-ins. 2nd day ng paghahanap nakareceived ako ng email from an employer for an interview and I am so happy but unfortunately need nila ang may experience sa field na yun tsaka foreigner daw ako (di ko na ask beforehand kung tumatanggap ba sila ng foreigner). Napakalungkot pero patuloy pa rin ako sa paghahanap. Bili ng newspaper din para mas doble at wala akong sinasayang na oras. Biscuit lang kinakain ko yung pinaka mura na mahanap ko. Napakamahal ng pagkain sa dala kung konting pera.
 
After a week of applying online, walang response sa lahat ng yun. Tahimik at napaka lungkot. Na hohomesick ako wala akong kausap at tumawag ako sa amin at ang maririnig ko lang is makahanap din daw ako soon at patuloy lang. ni wala akong narinig ni isa sa kanila na umuwi nalang ako kung nalulungkot ako which is sad kasi mas nakaka inspire yung concern ng family mo kesa parang feel mo na para bang “wag ka munang bumalik dito hanggat di ka makahanap ng trabaho jan sa abroad” the more sana marinig mo na nalulungkot din sila for you mas mag strive ka na makahanap talaga ng trabaho. Umiiyak ako kaso patago lang kasi marami kami sa isang kwarto ibat ibang lahi pa.
 
Tumawag si friend #2 at sabi nya nakahanap sya ng matitirhan ko pansamatala doon sa friend nya at nagpasalamat ako sa Diyos at sa kanya for helping me out. Nung nandun na ako sa bahay nakilala ko yung magiging roommate ko kasi magisa lang sya sa room at pinakiusapan nalang nila ang main tenant ng bahay.sabi ko sa roommate ko mag bibigay nalang ako sa rent nya at sabi naman nya wag mag alala pag nakahanap nalang daw ako ng work.
 
Sa bahay feel mong hindi ka welcome pero binale wala ko lang yun, naglilinis ako ng banyo at linis ng bahay, hugas ng pinagkainan nila at tulong na din sa paglalaba doon after ko mag apply2x online kasi nakakahiya din sa kanila at tulong ko nalang din sa pagpa tira nila sa akin sa bahay.
 
1 week nalang matatapos na visit visa ko kasi 1 month lang ang visit visa para sa atin. nag aaply ako ng online extension for another 30 days at thank God na approved naman so ayun patuloy pa rin hanap hanap ng work online at newspaper. Marami naman akong nareceived na call at email for an interview pero madalas agency na may malaking babayaran di pa kasali yung registration fees etc. lalong lalo na sa FnB at retail. Gustuhin ko mang sugalan kaso wala talaga akong pera. Di na ako kumakain minsan at kape or biscuit lng pinagtyatyagaan ko.
 
Matatapos na naman ang extended month ko at wala pa rin akong nahanap na work. Si friend #2 nangumusta at niyaya nya ako pumunta sa haus ng friend nya para pasyal na din daw kasi di na kami nagkita after ko tumira sa haus ng friend nya kasi lagi ko lang syang hinihindian kasi wala akong pera nahihiya ako at focus ako sa paghahanap ng work. Sabi nya ipahinga ko daw muna isip ko sa paghahanap ng work so sumama ako at unexpected na  may classmate ako sa highschool na nameet doon. Ayun nangumustahan pero di ko sinabi na naghahanap ako ng work.
 
Sabi ng classmate ko mag aaply daw ako sa Singapore at  i-try. Sabi ko pwede din naman, sabi nya ipasa ko daw sa kanya resume ko at itry nya sa opisina nya. The next day nagkita kami ulit ni classmate at binigay ko resume ko na hardcopy, sinendan ko din sya ng softcopy. Pinakilala nya ako sa mga friends nya at ikwenento na malapit na matapos ang visit visa ko. Nag offer silang samahan ako mag exit kasi gusto din nilang pumasyal ng Malaysia. Di makakasama si classmate kasi may duty sya ng weekend. Nakakahiya kasi now ko lang sila nakilala at nakaka touch din ang concern nila sa akin kaso pera ko halos wala na tama nalang pang exit pero pagpabalik wala na.
 
Kinotak ko yung pinsan ko sa Malaysia na makipagkita at baka din mapahiram nya ako ng pera. Di kami nagkita ng pinsan ko sa Malaysia kasi duty sya at yung katulong lang nagabot sa akin ng pera. Nagpasalamat ako sa pinsan ko kahit papano malaking tulong masyado sa akin at perang pinahiram nya.
 
Nung bumalik kami ng SG natatakan ako ng another 30days ulit at un na ung final 30 days ko kung hindi pa ako makahanap ng work uuwi na ako na walang wala talaga.
 
Malapit na namang matapos ang extended 30days ko wala pa rin final na resulta sa mga inaaplayan ko. Sabi ng ibang nag interview sa akin tawagan lang daw ako lalo na kapag bakante na ang foreigner quota sa kanila. Pinapa sa Diyos ko na ang lahat kung ano plan nya kung makahanap or wala basta wag lang NYA lang akong iiwan ok na ako.
 
May tumawag sa akin the following day para interview. Boss ng classmate ko pala yun at after ng interview hiningi na credentials ko para I apply ako ng work pass. Nalaman ko lang na boss ng classmate ko kasi after ng interview sinabi nya sa akin kung ka ano ano ko si classmate. Sabi nya pinasa daw ni classmate ang resume ko sa kanya pero walang bakante that time kaso na timing ngayon na nag immediate resign yun isa nila emplayado at need na ng urgent na tao tsaka fit ako sa qualifications. Napakahirap ng interview umiikot sa jobscope at buti nalang tinulungan din ako ng Diyos na maipasa ang interview.
 
Tinawagan ko si classmate at ibinalita sabi din nya di nya alam kasi sinabihan daw sya na walang bakante pero hiningi pa rin daw resume ko. Nagpasalamat ako sa kanya at kay GOD talaga dahil sa nangyari sa akin. After 2 days na aaproved na work pass ko at ang saya saya dahil sinurender ko na sa Diyos ang plano nya for me at binigay NYA ang answer. After a week pa ako magstart then after nun marami na din tumawag na i-aapply na ako ng pass sa mga previous interview ko at mas maganda ang offer at mas gusto ko na work pero mas pinili ko yung unang binigay ni God kahit maliit lang sahod kasi plan nya sa akin yun at binigay nya sa akin yun. Sabi nga ng classmate ko tanggapin ko daw yung mas malaking offer at magandang position sabi ko ayaw kung sayangin ang bigay na blessings sa akin ng Diyos.
 
Sabihin nalang natin lahat na ng pinaka malungkot na nangyari sa akin sa paghahanap ng work, pagtira sa bahay na di mo kakilala at iba pa. Kasama na yung gutom na gutom ka at di ka man lang makabili ng tinapay or nilalakad mo ng halos dalawang oras from City to bahay galing interview. Ayaw ko ng ikwento masyado ang sobrang pait na dinanas ko sa paghahanap ng trabaho sa SG dahil eto ay nalampasan ko.

Magtiwala lang tayo sa Dioys at kausapin sya with all your heart at nanjan lang SYA palagi para sa atin naghihintay at handing making. Wag kayong mawalan ng pag asa at ipaubaya nyo nalang sa Diyos ang lahat ng plano nyo at sya na bahala kung ano i-approved nya sa mga plan din NYA para sa atin. Keep praying and be patience. Surrender yourself to HIM and have faith.
 
Salamat sa time nyo for reading at to be continued pa eto while working in Singapore and my story moving to Australia Smile


Girla Heart
Reply


Forum Jump:


Users browsing this thread: 1 Guest(s)